Advertisers

Advertisers

PNP-CIDG (NCR) chief nagbabala sa akyat bahay ngayong UNDAS

0 29

Advertisers

NAGBABALA si P.Col. John Guiagui, hepe ng PNP CIDG-NCR sa posibleng pag-atake ng mga Akyat Bahay, Dugo-Dugo gang at iba pang masasamang elemento ngayon ipinagdiriwang ng UNDAS.

Sa pahayag ni Guiagui sa buwanang Balitaan Forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Harbor View, Katigbag Ave.,, Malate, Manila…”laganap ngayong UNDAS ang paglipana ng mga akyat bahay, Dugo-Dugo gang dahil walang mga tao sa kani-kanilang bahay dahil nasa sementeryo kaya naman ito ang perfect timing upang maisawagawa anv krimen.”

Upang maiwasan ito ang kailangan lamang ay I-lock ang bahay, gamitan ng matibay na lock na di basta-basta nabubuksan at ipagbilin sa inyong mga kapitbahay, upang kung may Makita man silang aali-aligid ay agad na maitatawag sa kapulisan.”

Dito, mahalaga ang partisipasyon nv komunidad para sa detterent ng mga krimen tulad ng akayat bahay.

Kaugnay nito, naitala naman ang theft at robbery bilang number 1 at 2 na krimen sa National Capital Region (NCR).Dahil dito, mahigpit ang babala ni Guiagui sa publiko na mag-ingat kung magbabakasyon o bibisita sa libingan ng mga yumao ngayong Undas.

Sinabi ni Guiagui na ingatan ang mga kagamitan at tiyaking ligtas ang iiwanang mga tahanang habang nagbabakasyon upang maiwasang mabiktima ng mga masasamang loob. Aniya maghahanap ng pagkakataon ang mga criminal na makihalubilo sa mga tao habang abala sa pagbisita sa sementeryo partikular na ang mga mandurukot.

Sakali mang mabiktima ng mga mandurukot, sinabi ni Guiagi na kaagad na magsumbong sa kapulisan na nakadeploy sa mga istratehikong lugar, maaari ring i-report ang mga kahina-hinalang kilos.

Hinggil naman sa mga magbabakasyon at iiwan ang kanilang mga tahanan, payo ng opisyal na ibilin sa mapagkakatiwalaang kapitbahay ang tahanan o mag-abiso sa barangay na bantayan at protektahan ang kanilang bahay laban sa mga criminal; at maaaring tumawag sa Police Community Precints o police stations. (ANDI GARCIA)