Advertisers

Advertisers

CHINESE FRUIT VENDOR NA SANGKOT SA DATING POGO OPERATIONS, HULI SA BI-ID

0 3

Advertisers

Dinakip ng Bureau of Immigration-Intelligence Division (BI-ID) ang isang 34-anyos na Chinese national na diumano ay may kaugnayan sa dating POGO operations.

Ayon kay BI-ID chief Fortunato Manahan, Jr., ang operasyon ay alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos, Jr. na tiyaking protektado ang bansa laban sa illegal aliens na inaabuso ang hospitality ng Pilipinas.

Sa ulat ni Manahan, ang suspect na kinilalang si Xie Yingwen ay dinakip sa Yulo Street sa Brgy. 16, Bacolod City, sa bisa ng mission order na ibinatay sa impormasyon mula sa government intelligence sources.

Sa tulong ng Negros Occidental Police Provincial Office at Bacolod City Police Station 1, inaresto ng intelligence agents si Xie sa labas ng residential area at di ito nakapagpakita ng anumang identification.

Napag-alamang hindi umano ito nakapag-extend ng visa, kaya’t siya ay naging isang ‘overstaying alien’, bukod pa sa kaugnayan nito sa mga online gaming operations.

Inamin din ni Xie na dati siyang nagtitinda sa Maynila ng mga pagkain at prutas.

Si Xie ay inilipat sa BI holding facility sa Bicutan, kung saan siya mananatili habang pino-proseso ang deportation charges laban sa kanya. (JERRY S. TAN)