Advertisers

Advertisers

12 KONTRAKTOR BLACKLISTED, HIGIT 100 DPWH PERSONNEL SINIBAK SA FLOOD CONTROL SCAM!

0 5

Advertisers

BLACLISTED ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 12 kontraktor at nagsuspinde, nagtanggal ng mahigit 100 tauhan nito kaugnay ng kontrobersiya sa flood control.
Ito ang sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon sa budget briefing ng House Committee on Appropriations nitong Miyerkoles.
“There are 12 contractors that have been blacklisted already… Nasa Ombudsman na po ang lahat ng impormasyon nitong mga ito, marami nang na-file-an ng kaso, at according to Ombudsman Remulla, marami pang para-ting,” sabi ni Dizon.
“In terms of DPWH personnel, mahigit 100 na ang either na-suspend, natanggal, at nakasuhan na, at mayroon pa po kaming mga ia-announce na next batch,” dagdag pa nito.
Ayon kay Dizon, hindi na ginagamit ng DPWH ang parametric formula na ginamit ng kanyang predecessor na si Manuel Bonoan sa paghahanda ng panukalang budget ng ahensya at pagtukoy ng alokasyon para sa mga infrastructure project na ilalaan sa mga distrito.
“Wala na pong allocable, wala na pong parametric formula. Ang ginawa namin ngayon simple lang po, base sa district levels at regional levels, kailangan ang mga proyekto na prioritized ng regions at districts,” Ani Dizon.
Tinanong ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Representative Antonio Tinio si Dizon kung bakit 80% ng iminungkahing pondo para sa infrastructure projects sa 2027 ay nasa ilalim ng DPWH central office.
“Ang current policy at rules under current DBM circulars is projects above P50 million, lahat ‘yan ay ipinapadala sa central. Pero ito ay pagtanggap lang ng SARO galing sa DBM. Pero ang pag-implement nito ay nasa regions at districts,” paliwanag ni Dizon.
Gayunman, binanggit ni Tinio na may mga proyekto sa central office na mas mababa sa P50 milyon.
“Ang Maharlika Highway talaga is centrally managed, pero ang regions ang nag-iimplement… Ang flood control din po, ‘yung 002 projects, centrally managed din po pala ‘yan. Iba po ang pagtanggap ng pondo, iba po ang pag-implement ng proyekto… Mukhang ito po ang nakagawian,” sagot naman ni Dizon.