Advertisers

Advertisers

DDS vlogger, 4 pa timbog sa P748K shabu

0 4

Advertisers

ARESTADO ang isang vlogger at apat na iba pa sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Bacolod City, nagresulta sa pagkakasamsam ng kabuuang P748,000 halaga ng shabu, Martes, Agosto 25.
Sa operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-Negros Island Region (PDEA-NIR) sa Barangay 10, naaresto ang 35-anyos na umano’y DDS vlogger na kinilala lamang sa alyas “Joselito” at ang 32-anyos niyang kasamahan na alyas “Christian.”
Ayon sa PDEA-NIR, nakumpiska sa dalawa ang 13 sachets ng shabu na nasa 50 gramo at nagkakahalaga ng P340,000, gayundin ang isang improvised tooter at iba pang kagamitan.
Sa hiwalay na operasyon sa Zone 1, Barangay Handumanan, tatlo pang lalaki ang inaresto ng Bacolod City Police Office-City Drug Enforcement Unit.
Kinilala sila ng pulisya sa mga alyas “Noy”, 34, isang high-value individual; “Mel”, 31; at “Bal”, 32.
Nasamsam sa operasyon ang 60 gramo ng shabu na nasa P408,000 ang halaga, kasama ang 22 sachet at P1,000 buy-bust money.
Nakumpiska rin ang apat na homemade firearms—isang .45-caliber at tatlong .38-caliber—kasama ang mga bala at magazine.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang limang naa-resto habang inihahanda ang kaukulang mga reklamo laban sa kanila.(Boy Celario)