Advertisers

Advertisers

Pinoy traveler kabilang sa nawawala sa Nepal flash flood

0 7

Advertisers

KABILANG ang isang biyaherong Pilipino sa naiulat na nawawala matapos ang malakas na flash flood sa mga ilog ng Bhotekoshi at Trishuli sa Nepal noong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Nepal Tourism Board, umabot sa 644 ang naiulat na nawawalang biyahero sa naapektuhang lugar, kabilang ang isang Pilipino.

Nitong Huwebes, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, na walang Pilipinong naiulat na nasawi o naapektuhan sa matinding flash flood sa Nepal na ikinasawi ng daan-daang katao.



Sinabi ni Castro, patuloy na sinusubaybayan ng gobyerno ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Nepal para matiyak ang kalagayan ng mga Pilipino doon.

Ani Castro na hanggang nitong Huwebes ng umaga, wala pang natatanggap na ulat ang Department of Foreign Affairs (DFA) tungkol sa Filipino casualty.



Tinatayang 128 Pilipino ang nasa Nepal, karamihan ay mga babaeng may asawang Nepalese.
Mayroon ding 18 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Samantala, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pakikiramay sa mga biktima at ipinagdasal ang kaligtasan at pagbuti ng kalagayan ng mga naapektuhan ng kalamidad.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">