Advertisers
IBINUNYAG ni Senate President Sherwin Gatchalian na may “serious illness” si Senador Loren Legarda, dahilan ng paulit-ulit nitong pagpapalawig ng medical leave at hindi pagtanggap ng suweldo habang nagpapagaling.
Ayon kay Gatchalian, apat na beses nang nag-extend ng leave si Legarda mula noong Agosto.
Ang pinakahuling leave nito ay para sa Setyembre 1 hanggang 2, kaya muli na namang naantala ang kanyang pagbabalik sa Senado.
Sinabi ng Senate President na personal niyang nalalaman ang kondisyon ni Legarda dahil magkaibigan sila.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na detalye tungkol sa eksaktong karamdaman ni Legarda at kung kailan siya muling makababalik sa trabaho. (Mylene Alfonso)