Advertisers

Advertisers

MHD Chief binigyang direktiba ang 6 na district hospital na maging handa sa pagdating ng lindol

0 16

Advertisers

BINIGYANG direktiba. ni Manila Health Department (MHD) head Dr. Grace Padilla ang lahat ng mga direktor na nagpapatakbo ng anim na city-run hospitals sa lungsod na magkaroon ng kamalayan, paghahanda at pagsasanay sa kanilang mga kawani sa sandaling dumating ang hindi inaasahang malakas na lindol.

Sinabi ni Padilla, na direktor din ng Ospital ng Maynila (OM), na nagbigay din siya ng direktiba sa lahat ng mga nagpapatakbo sa 44 health centers sa lungsod na inaasahan din na nasa high alert at handa sa panahon ng kalamidad at emergency situations para mag-assist sa mga pagamutan.

Ayon pa kay Padilla… “preparedness is key, to ensure the safety not only of the patients being taken care of in the said hospitals but moreso, of the staff themselves.”

Sa kanyang pagbibigay ng direktiba, sinabi , Padilla kung paano ang mga ospital nagpa-functions at labis na naapektuhan sa mgal lugar na tinamaan ng lindol.

Binigyang diin din ni Padilla na para mapangalagaan ang mga pasyente ang mga kawani ay dapat na mayroong sapat na kaalaman kung paano mapangalagaan ang kanilang mga sarili, para makapagligtas ng mga pasyente.

Ayon pa kay Padilla, ay ayaw nilang magkaroon ng kawani na maging casualty kapag naganap ang malakas na lindol kung saan ang lahat ng mga kawani ay dapat na maging abala sa pag-aalaga sa mga pasyente.

Mayroong anim na ospitals na ino- operate ng local government. May isang ospital ang naka-assigned sa bawat anim na distrito sa lungsod. (ANDI GARCIA)