Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Bantay Biyahe is back, mga biyahero! Dahil hangad ng Biyahe ni Drew ang ligtas na pagbiyahe ngayong Undas, sisiguruhin nitong magiging kaagapay ito ng mga biyahero via Bantay Biyahe Undas 2025!
Para sa mga luluwas pa-probinsya ngayong October 31 at November 2, mag-stop over muna sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) mula 9 a.m. hanggang 3 p.m. Naroon ang team ng Biyahe ni Drew para maghandog ng libreng check up at exciting games and giveaways na siguradong magpapangiti sa inyo.
Kitakits at safe travels, Kapusong Biyaheros!
GMA stars, maghahatid-saya sa Palawan at Zamboanga
Nag-uumpisa mang lumamig ang simoy ng hangin, tiyak paiinitin naman ng ilang Kapuso stars ang Palawan at Zamboanga sa kanilang pagbisita at paghahatid ng di-matatawarang kasiyahan courtesy of GMA Regional TV.
Good vibes at positive energy ang paniguradong dala nina Shaira Diaz, EA Guzman, Lianne Valentin, at Ronnie Liang sa makulay na selebrasyon ng Subaraw Biodiversity Festival 2025 sa November 6. Maki-party kasama sila sa fun-filled #KapusoFiesta sa Sabang Wharf, Brgy. Cabayugan, Puerto Princesa City sa ganap ng 9 ng gabi.
Hindi rin s’yempre pahuhuli sa kasiyahan ang mga Kapuso mula Zamboanga dahil kaleidoscope of stars ang bubungad sa kanila sa pagbisita nina Sparkle stars Michael Sager, AZ Martinez, Vince Maristela, at Chanty Videla. Join the fun at huwag palampasin ang mga inihanda nilang sorpresa sa #KapusoMallShow sa KCC Mall de Zamboanga sa ganap na 5 ng hapon.
Siguradong magiging fun at unforgettable ang buong Nobyembre ng mga Kapuso sa regions dahil sa mainit na umpisa ng buwan. Mark your calendars, mga Kapuso!
Beauty Gonzalez at Kris Bernal, sanib-pwersa sa House of Lies
First time na magsasama sa isang project sina Beauty Gonzalez at nagbabalik-serye na si Kris Bernal para sa “House of Lies.”
Sey ni Beauty, masaya siya para sa comeback ni Kris, “I know ‘yung hunger and fire niya kasi ilang years din siya nagpahinga, so I know how it feels na ‘yung excitement mo pagbalik sa trabaho, ang dami mong baon.”
Pag-amin naman ni Kris, matagal na niyang gustong makatrabaho si Beauty, “Magaling talaga siyang artista. Medyo nape-pressure nga ako, kinabahan talaga ako.”
Talagang pang-malakasan ang upcoming GMA Afternoon Prime series na ito kung saan bibida rin sina Mike Tan at Martin del Rosario. Kasama rin sa powerhouse cast sina Jackie Lou Blanco, Geo Mhanna, Kayla Davies, Angel Cadao, at Kokoy De Santos.
Kate Valdez, nagbabalik bilang Unica Hija
Muling mapapanood sa GMA Afternoon Prime ang hit series ni Kate Valdez na “Unica Hija.”
Kasama niya rito sina Faith da Silva, Kelvin Miranda, Katrina Halili, Mark Herras, Alfred Vargas, at marami pang bigating artista.
Simula November 3, subaybayan muli ang kuwento ni Bianca (Kate) na magkakaroon ng human clone. Pero ang matagumpay na siyensya ay siya rin palang magiging sanhi ng pagkawasak ng kanilang pamilya.
Tumutok sa “Unica Hija,” mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 4:05 p.m. sa GMA.