Advertisers

Advertisers

PANAHON NA PARA SIBAKIN SI COL. LACUESTA

0 1,023

Advertisers

HABANG dinadagsa ang Quezon Province ng mga balita hinggil sa talamak na operasyon ng petroleum at oil pilferage o buriki/paihi, drug trading, gambling tulad ng Small Town Lottery (STL) bookies, pergalan (peryahan na pulos sugalan), illegal logging at iba pang uri ng labag sa batas na aktibidad, ay kapansin-pansin ang pananahimik nina Quezon OIC PNP Provincial Director Col. Ruben Lacuesta at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Officer LtCol. Raymond Nicolas.

Sa halip na agresibong imbestigahan at sawatain ang mga paglabag sa batas ay ang kawalan ng presensya ng kapulisan sa naturang lalawigan ang napapansin ng mga mamamayan sa gitna ng naglalagablab na krisis kaugnay sa laganap na operasyon ng mga naturang kailigalan sa ibat bang panig ng probinsya ni Quezon Gov. Angelina “Helen” Tan.

Ang pananahimik at pagiging kampante nina Col. Lacuesta at LtCol. Nicolas sa kanilang upuan habang lumalakas naman ang loob ng mga pasimuno sa mga ilegal na gawain ay isang malinaw na indikasyon ng pagkukulang sa pamunuan ng pulisya sa nabanggit na lalawigan.



Hindi maaring basta-basta na lang ipagwalang bahala ang impormasyon na ang mga buriki/paihi, drug, gambling lord at illegal logging operators ay patuloy na namamayagpag sa naturang lalawigan pagkat ang mga ito ay may malalim na koneksyon sa ilang opisyal ng PNP at lokal na pamahalaan.

Ilang indibidwal na tinaguriang “kapustahan” (police tong collektor) ang hindi lamang gumagasgas sa pangalan ng ilang local at provincial government official kundi maging sa pangalan nina Col. Lacuesta at LtCol. Nicolas.

Tinukoy sa ulat ang pangalan ng mga naturang kapustahan na isang alyas Richard Cigarillas, Sgt. Baste, Sgt. Anus at ex. Sgt. Jammy ang mga nangongolekta ng protection money o weekly intelhencia mula sa mga naturang ilegalista sa kondisyon hindi bubulabugin ng kapulisan ng probinsya ang operasyon ng mga ilegalista.

Ang masahol pa ay kumpirmado ang ulat na ginamit ng ilang tiwaling politiko ang suhol mula sa mga naturang mga ilegalista sa kampanya ng ilang pultiko nitong nakaraang May 12, 2025 election.

Kung ito’y totoo, isang hayagang pambabastos sa ating sistema ng hustisya at batas sa halalan at isang malupit na insulto sa mga mamamayang sumusunod sa batas.



Ayon sa ulat ay hayagan ang operasyon ng buriki/paihi ng isang alyas Roy Villanueva, sa bayan ng Tiaong na sinasabing may lingguhang hatag na Php 150k sa isang mataas na opisyal ng munisipyo bukod pa kinokolekta sa kanya na Php 50k ng alipores na barangay chairman.

Bukod sa paihi/buriki ni alyas Roy Villanueva at ginagamit na front sa bentahan ng droga ang mga safehouse na rebisahan ng STL bookies o jueteng sa naturang bayan.

Ang masaklap pa ay may ulat na ginagamit ng armadong mga tauhan ni alyas Roy Villanueva at ang lupaing pag-aari ng gobyerno ng Philippine Coconut Authority (PCA) compound sa Brgy. Lagalag sa kanilang lantarang pagnanakaw ng mga petroleum at oil product.

Maraming mamamayan na ang nagpahayag ng takot, galit at panghihina ng loob sa tila kawalan ng lakas nina Col. Lacuesta, Lt Col. Nicolas at ng Tiaong Police Force na supilin ang mga ilegal na aktibidad sa naturang bayan.

Hindi natin pwedeng ipagwalang bahala ang mga pangyayaring ito. Hindi din maaring masanay na lang ang mga mamamayan sa Quezon sa sistemang may kinikilingan at pinoprotektahan ang mga mga may kapangyarihan lalo na kung ang mga ito ay ilegalista.

Kaya higit sa lahat, hindi maaring manahimik na lamang ang liderato ng Philippine National Police sa ilalim ni Gen. Rommel Francisco Marbil at CIDG Director Nicolas Torre III.

Hindi maaring manatili sa kanilang pwesto ang ilang PNP officials na mistulang bulag, pipi at bingi sa gitna ng kapalpakan sa kaayusan at batas. Ang kawalan ng aksyon sa harap ng pamamayani ng operasyon ng mga elementong kriminal sa lalawigan ng Quezon ay tahasang pagtalikod sa sinumpaang tungkulin ng mga pinagkakatiwalaang police officials sa naturang lalawigan.

Kabilang sa di masugpo-sugpong kailegalan sa Quezon ay ang paihi/buriki operation ng magkasosyong Sammy at Francis sa Brgy. San Luis I at San Luis II sa bayan ng Guinyangan, operasyon ng may 150 illegal loggers o “magkakahoy” na kinabibilangan nina Carding, Putaw, Dalia, Altamira, kambal, Alex, Marcial, Victor, Juancho, Felix, Juaning, Rico, Ricky, Arangkada, Valiente at maraming iba pa.

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144