Advertisers

Advertisers

Duterte pwede humiling sa embahada at konsulado ng PH sa The Hague para makapanumpa bilang bagong alkalde ng Davao

0 6

Advertisers

IPINALIWANAG ni Senate President Francis Escudero na maaaring makapanumpa pa rin sa kanyang bagong tungkulin si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang Mayor elect ng Davao City kahit ito ay kasalukuyang nakapiit sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Escudero, ito ay sa pamamagitan ng consular visit kung saan pwedeng hilingin ni Duterte na puntahan siya ng mga opisyal ng ating konsulado sa The Hague para makapanumpa bilang alkal-de.

Sa kabilang banda, dahil posibleng hindi pa makauwi si Duterte sa bansa, batay sa Local Government Code ang hahalili muna kay FPRRD ay ang nanalong Vice Mayor nito at ito ay si Davao City Mayor Baste Duterte.



Iginiit ni Escudero na ito ay karapatan ni Duterte, sang-ayon sa rules ng The Hague at may proseso na sa ganitong mga sitwasyon.

Samantala, sa tingin pa ng Senate president, walang epekto ang kaso ni Duterte sa ICC para tuluyan itong madiskwalipika sa paghawak sa public office.