Advertisers

Advertisers

Mga local at national candidate inatasan ng BIR ideklara ang nagamit na campaign contributions

0 4

Advertisers

MAHIGPIT na nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa local at national candidates sa nagdaang eleksyon na ideklara ang kanilang hindi nagamit na campaign funds.

Sinabi ni BIR Commisioner Romeo Lumagui, wala silang nakikitang problema kung nais ng mga kandidato na itabi ang sobrang campaign funds hangga’t magbabayad ang mga ito ng kaukulang income tax.

Bago nagsimula ang kampanya noong Marso, inilatag na ng BIR ang mga regulasyon kabilang ang limang porsyentong creditable income tax sa mga gastos ng lahat ng mga kandidato.



Pagkatapos ng eleksyon, ang mga kandidato ay inaatasang mag-file ng kanilang statement of contributions and expenditure.

Sakaling mabigo ang mga kandidato na gawin ito, papatawan ang mga ito ng parusa at maaaring kasuhan ng tax evasion.