Advertisers

Advertisers

P686.8m shabu nasabat sa Angeles City

0 9

Advertisers

NASABAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P686.8 milyon halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga nitong Mayo 14, 2025.



Nadakip rito sina alyas “Wang”, 31 anyos, isang Chinese national na naninirahan sa Clark; at alyas “Shania”, 24, mula sa Tarlac City. Nahuli sila sa isang entrapment operation 11:35 ng umaga sa Friendship Highway

Nakuha mula sa kanila ang 101 kilo ng shabu na nasa 96 tea bags at 5 plastic packs, isang Toyota Sienna, cellphone, at mga lisensya.