Advertisers
NAGPULONG nitong Huwebes ang ilang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang talakayin ang mga prayoridad na programa ng kasalukuyang administrasyon.
Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na mayroong tagubilin mula kay Marcos na pabilisin ang pagpapatupad ng mga proyekto at programa na naglalayong isulong ang paglago sa bansa.
“A lot of Cabinet secretaries were there pero (but) not all kasi baka hindi available ‘yung iba. Pero maraming Gabineteng dumating,” sinabi ni Dizon sa isang ambush interview nang tanungin kung ano ang naging agenda sa naganap na pulong sa New Executive Building (NEB) sa Malacañang Palace.
“We just discussed what we need to do because the President said we need to hurry up because we need to do it for our fellow citizens. So, some Cabinet members met to discuss what priority programs we need to expedite for the people),” dagdag pa niya.
Hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Dizon tungkol sa mga partikular na programang iniharap sa pulong.
Bukod kay Dizon, ilan sa mga Cabinet secretaries na nakita sa NEB para sa pulong ay sina Jonvic Remulla (Justice), Francisco Tiu-Laurel Jr. (Agriculture), Rex Gatchalian (Social Welfare), Sonny Angara (Education), at Jay Ruiz (Communications). (Vanz Fernandez)