Advertisers

Advertisers

Bebot nagbebenta ng pekeng gov’t ID sa online, timbog

0 13

Advertisers

Arestado ang isang babaeng nagbebenta ng mga pekeng ‘government ID’ online, sa Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Kinilala ni PCol. Nixon M Cayaban, hepe ng Valenzuela City Police Station ang babaeng suspek na si alyas ‘Tere’, 29, at residente ng Barangay Gen. T. de Leon, Valenzuela City.



Sa ulat, nagsagawa ng ‘entrapment operation’ ang pulisya ng Valenzuela at Northern District Anti-Cybercrime Team (NDACT) na pinangunahan ni PCPT Michael Bernardo, laban sa suspek matapos mapag-alaman na nagbebenta ito ng mga pekeng driver’s license at Persons with Disability (PWD) id, partikular sa Valenzuela City.

Kaagad inaresto si Tere nang kumagat ito sa isinagawang operasyon ng grupo,

Paalala ni PCol.Cayaban sa publiko na tumungo sa tamang ahensiya at maging alerto at mapanuri sa mga inaalok online.

“Bawal ang manloloko sa Valenzuela,” babala naman ni Mayor WES.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa article 172 (Falsification by private individual and use of falsified documents) of the Revised Penal Code in relation to section 6 of Republic Act no. 10175, o mas kilala bilang “Cybercrime Prevention Act of 2012.(Beth Samson)