Advertisers
Blangko pa ang San ildefonso PNP sa kaso ng pagpatay sa dalawang lalaki na pinagbabaril ng riding in tandem habang nasa kubo sa garahe ng Villacorte sa Barangay Matimbubong sa naturang bayan.
Sa report na tinanggap ni PRO3 Director BGen.Jean S. Fajardo kinilala ang mga biktima na sina Cedric Ace Cruz, truck driver residente ng Brgy, Pinaod, at kasama nito na si Rustan Pastrana ng Brgy, Bulusukan sa bayan ng San Ildefonso.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis ganap na alas-4:52 kahapon ng mangyari ang walang habas na pamamaril ng hindi nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiklong walang plaka.
Samantala patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang motibo ng pamamaslang habang nagpapatuloy rin ang hot Pursuit operation ng mga pulis laban sa mga suspek na tumakas patungo sa direksyon sa bayan ng San Rafael.(Thony D. Arcenal)