Advertisers

Advertisers

Nagdiriwang na mga senador ni Duterte

0 4,192

Advertisers

NAGDIRIWANG na ang mga senador ni Duterte dahil sa posibleng ‘di na pagdinig ng Senate Impeachment Court sa mga reklamong nakasampa laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Oo! abot hanggang tainga na ang ngiti nina Senador-elect Bato dela Rosa at Imee Marcos sa mga ginagawang taktika ni Senate President Chiz Escudero para ‘di magkaroon ng pagtalakay sa Impeachment articles laban kay Sara.

Giit nina Imee at Bato na hindi na puedeng ituloy pa ng 19th Congress ang impeachment sa July dahil ibang Kongreso na ito, tulad ng nakasaad sa Saligang Batas.

That means mababasura ang lahat ng pinagpaguran at pag-impeach ng mga Kongresista partikular ang House Quad Committee na nagbusisi sa maanomalyang paggamit sa confidential funds ni VP Sara sa Office of the Vice President at sa Department of Education.

Ang mga palusot ni Escudero kaya hindi matalakay ang impeachment articles na dapat ay nitong June 2 pa sinimulan ay dahil mayroon daw mas mahahalagang batas na dapat unahin. Aba’t hindi ba mahalaga ang impeachment laban sa isang magnanakaw na mataas na opisyal ng bansa?

Sinabi pa ni Escudero na hindi na nga matatalakay pa ang impeachment dahil magtatapos na ang 19th Congress sa katapusan ng buwan, ibig sabihin sa basurahan na pupulutin ang impeachment articles na isinampa sa Senado noon pang Disyembre 2024.

Kaya tamang magwala ang mga grupo na gustong marinig at malaman ang katotohanan hinggil sa mga natuklasang katiwalian sa paggamit sa “secret funds” ng Bise Presidente, kungsaan bilyones na taxpayers money ang nalutas sa kawalan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

***

“Ang impeachment trial ni Sara ay napakaimportanteng matuloy dahil dito makikita ng taongbayan na siya ay isang magnanakaw; tumatanggap ng pera sa dr*glord; at may diperensya sa pag-iisip. Dahil dito, hindi sya karapat-dapat na makahawak ng kahit naong pwesto sa gobyerno,” post ni Trillanes sa kanyang X (dating Twitter).

***

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Francis Escudero sa kanyang manifestation sa Senate floor, ang impeachment case laban kay Sara ay “functionally dismissed” kapag nabigo ang Senado na magsagawa ng trial bago matapos ang June 30 ng taon.

“This principle is affirmed internationally. Jefferson’s manual provides that unfinished business do not carry over into a new cpngress,” diin ni Tolentino na miembro ng Duterte gang.

“If we can’t conclude the trial before June 30, 2025, we must recognize this impeachment case is functionally dismissed by constitutional operation and no action can be taken by the 20th Congress on the matter for lack of constitutional authority, dagdag pa ni Tolentino na isang international lawyer. “Kahit anong pilit, hindi matatawid lalo na kung lalabag sa saligang batas.”

Dahil sa mga pangyayaring ito nagpaplano ng malakihang pag-aaklas ang religious groups, professionals, students at proressive groups. Numerong target ng grupo ang pagpapa-resign kay Escudero.

Tama lang patalsikin si Escudero, na sa tingin ko ay may malaking plano sa 2028. Animal!!!