Advertisers
UMISKOR si Marck Espejo ng 31 points upang pamunuan ang opensiba ng Alas Pilipinas sa napakahirap na five-setter win laban sa Thailand,25-21, 21-25, 25-22, 21-25, 15-11 at perpek three-win run sa tatlong araw na invitational tournament Huwebes ng gabi sa Araneta Coliseum.
Nagtapos si Espejo ng 24 attacks, a block at six service aces.
Huling nanalao ang Pilipinas laban sa Thailand ay noong 2019 Southeast Asian Games.
Sa three-day event, ang Pilipinas ay umiskor rin ng panalo laban sa two-time Indonesian champion Jakarta Bhayangkara at ang tough South Korean squad.
Ang invitational ay magsilbing trial run para sa hosting ng bansa sa FIVB Men’s Volleyball Championship sa Setyembre 12 hanggang 28.