Advertisers
Narekober ang dalawang sako ng shabu na lumulutang sa baybayin ng Brgy. Centro 6, Claveria, Cagayan nitong Linggo.
Nakuha ng dalawang mangingisda ang mga kontrabando at itinurn-over ito sa lokal na pulisya.
Lumalabas sa initial examination na ang laman ng mga ito puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu.
Kasalukuyang nasa kustodiya ang mga shabu ng Claveria Police Station at ibibigay sa Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 2 para sa masusing pagsusuri at pormal na dokumentasyon.
Samantala, iniimbestigahan na ng pulisya ang pinagmulan nito at kung may kaugnayan ang mga ito sa mga natagpuan sa Ilocos Region kamakailan.