Advertisers

Advertisers

Pagbasura sa VP Sara impeachment case posible talaga – Sen. Cayetano

0 33

Advertisers

SINANG-AYUNAN ni Sen. Alan Peter Cayetano na kabilang sa mga posibilidad ay ang pagbasura sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Cayetano, kabilang ito sa maaring pagbotohan ng impeachment court, na binubuo ng mga senador.

Una nang inamin ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na kapag nagbalik ang impeachment court maaaring may senator-judge na mag-mosyon na ibasura na ang kaso at pagbobotohan ito ng mga senador.



“So ang sinasabi ni SP — can be dismissed. That’s the reality. The Senate acts through its members, and majority wins. Hindi naman pwedeng minority wins. Anong limitation doon?” tanong ni Cayetano.

Idinagdag din niya na ang anumang desisyon ng impeachment court ay maaaring idulog sa Korte Suprema.

Ngunit nilinaw ni Cayetano na ang dapat manaig pa rin ang kung ano ang makakabuti sa bansa.

Sinabi pa ng senador na maaaring magbago ang lahat kapag naupo na rin bilang hukom ang mga bagong senador.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">