Advertisers

Advertisers

Most Wanted Person, sumuko sa Caloocan police

0 46

Advertisers

Kusang sumuko sa otoridad ang isang akusado na nahaharap sa kasong Carnapping ng mabatid na tinutugis ng batas sa pagtatago sa kaso nito sa loob ng apat na taon.

Sa ulat na ipinarating kay Northern Police District Director PBGen. Arnold E. Abad, kusang isinuko ng 38-anyos na lalaki ang sarili na nakatala bilang Most Wanted Person sa Sangandaan Police Sub-Station 4 sa ilalim ng superbisyon ni Police Colonel Joey T Goforth, Acting Chief of Police, sa Barangay 4, Caloocan City, 11:44 ng umaga araw ng Miyerkoles.

Nahaharap ang akusado sa kasong kriminal sa paglabag sa Section 3 of Republic Act 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016 sa Regional Trial Court Branch 126, Caloocan City, noong August 1, 2021, na may piyansang P300,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.



Hinihintay na lamang ang commitment order ng hukuman upang maiselda ang wanted sa batas na pansamantalang nasa kustodiya ng Caloocan City Police Station.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">