Advertisers
WALANG sasantuhin ang Philippine National Police (PNP) sa imbestigasyon kaugnay ng mga nawawalang sabungero, sibilyan man, opisyal o kapwa pulis.
Ito ang binigyang diin ni PNP Spokesperson, Brigadier General Jean Fajardo.
Kasunod narin ito ng rebelasyon ng isang akusado at dating security guard sa Manila Arena na ngayon ay tumatayong state witness na si alyas “Totoy” na inilibing ‘diumano ang mga bangkay ng sabungero sa Taal Lake kungsaan nasa 30 indibidwal ang bilang kabilang sa kanilang mga pulis.
Ayon kay Fajardo, hihintayin nila ang buong salaysay ni Totoy para sa masusing imbestigasyon.
Samantala, tiniyak din ni Fajardo na bukas ang PNP sa pakikipagtulungan sa Department of Justice (DOJ) para sa paglilinaw ng imbestigasyon.
Sa ngayon, wala silang natatanggap na pormal na request mula sa DOJ para magsagawa ng search operations.
Gayunpaman, ang tiniyak ni Fajardo sa anumang yunit ng PNP, kabilang ang Maritime Group ay handa nang tumulong oras na kailanganin.