Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
INILABAS ng The Society of Philippipne Entertaiment Editors (SPEEd) ang mga nominado nila para sa kanilang 8th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice Awards, na gaganapin sa Ceremonial Hall of the Marriott Grand Ballroom in Pasay City sa July 20 na magkakaroon ng delayed telecast sa Kapamilya Channel at Jeepney TV, at mapapanood naman ng global viewers via iWantTFC starting July 27.
Ang mga nominado para sa Best Actor category ay sina Dennis Trillo para sa Green Bones, Alden Richards para sa Hello, Love, Again’, Sid Lucero para sa Outside, Joel Torre para sa Lolo and the Kid, Arjo Atayde para sa Topakk, Vice Ganda para sa And the Bread Winner Is, at Kokoy de Santos para naman sa Your Mother Son.
Sa Best Actress category naman, ang mga nominado ay sina Judy Ann Santos para sa Espantaho, Mylene Dizon para sa The Hearing, Shamaine Buencamino para sa Pushcart Tales, Marian Rivera para sa Balota, Jane Oineza para sa Love Child at Sue Prado para naman sa Your Mother’s Son.
Sa Best Supporting Actor category naman ay maglalaban-laban sina Ruru Madrid (‘Green Bones’), Aga Muhlach (‘Uninvited’), Joross Gamboa (‘Hello, Love, Again’), Ronnie Lazaro (‘The Gospel of the Beast’), Miggy Jimenez (‘Your Mother Son’), at Patrick Garcia (‘A Journey’).
Sina Lorna Tolentino at Chanda Romero ay parehong nominado para sa ‘Espantaho’ sa Best Supporting Actress category kung saan ay makakalaban nila sina Nadine Lustre (‘Uninvited’), Kakki Teodoro (‘Isang Himala’), Cristine Reyes (‘The Kingdom’), at Elora Españo (‘Your Mother Son’).
***
ALL-OUT talaga ang suportang ipinapakita ni Maine Mednoza sa kayang mister na si Cong. Arjo Atayde. Nitong nagdaang Lunes, June 30, personal niyang sinamahan ang award-winning actor at public servant sa opisyal na oath taking ceremony nito na ginanap sa Quezon City Hall.
Kasama rin ni Maine ang parents ng actor turned politician na sina sina Sylvia Sanchez-Atayde at Art Atayde, na sumusuporta sa walong priority measures ng anak mula sa kanyang legislative agenda sa unang araw ng kanyang ikalawang termino sa House of Representatives.
Nanumpa si Cong. Arjo sa harap ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.
“Sobrang inspirasyon ni Cong. Arjo na magtrabaho para sa mga mamamayan ng Quezon City pagkatapos ng eleksiyon, at lahat kami ay sobrang natutuwa na makita ito,” sabi ni Sylvia.
Pinuri rin ni Ibyang si Cong. Arjo para sa legislative agenda nito na nagpapatuloy sa kanyang pangako para sa isang mabilis, tumutugon, at inklusibong serbisyo publiko.
Kitang-kita naman kay Maine ang pagiging proud wifey habang nagbibigay ng mensahe si Arjo sa kanyang mga constituens sa unang distrito ng Quezon City, kabilang na riyan ang kanyang mga priority bill.
“Dapat naroroon ang gobyerno, proactive, at may layunin. Iyan ang ibig sabihin ng Aksyon Agad—paggawa ng mga bagay para sa mga taong umaasa sa atin upang mapabuti ang kanilang buhay,” sabi ng aktor at kongresista.