Advertisers
KINUMPIRMA ni Bise Presidente Sara Duterte na nagbigay na ng huling habilin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling bawian siya ng buhay sa detention facility ng International Criminal Court sa The Hague, The Netherlands.
Pahayag ni VP Sara, kabilang sa mga habilin ng dating pangulo ang pag-cremate sa kanyang mga labi bago ito iuwi ng Pilipinas.
Dagdag pa ng bise presidente, na marahil dahil sa edad ng dating pangulo na otsenta ay naghahanda na rin ito.
Una nang kinumpirma ng pamilya Duterte na malaki ang ipinayat ng dating pangulo dahil nahihirapan ito sa pagkain at sa panahon sa The Hague.