Advertisers
Inirekomenda ng Parañaque City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang pagdeklara ng state of calamity sa lungsod dahil sa malawakang pinsalang dulot ng “habagat” at Typhoon Crising.
Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na isinumite ng CDRRMO ang rekomendasyon sa Sangguniang Panglungsod sa isinagawang pulong ng komite noong Biyernes, Hulyo 25.
Sinabi ni Olivarez na layunin ng hakbang na ito na matugunan ang epekto ng patuloy na malakas na pag-ulan at ipatupad ang agarang tulong sa mga residenteng apektado ng sama ng panahon.
Aniya, bagama’t walang kaso ang lungsod sa panahon ng krisis, may kabuuang 1,647 pamilya o 6,026 na indibidwal na apektado ng pagbaha ang humingi ng pansamantalang tirahan sa 22 evacuation centers ng lungsod sa ilalim ng pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Sinabi ng alkalde na ang mga apektado ng baha ay dumanas ng mga pagkalugi sa panahon ng krisis, habang ang mga bata at senior citizen ay nasa panganib na magkaroon ng waterborne disease.
“Ang deklarasyong ito ay magbubukas ng karagdagang pondo ng calamity fund mula sa national government para sa pag-deploy ng karagdagang recovery programs para sa mga biktima, at pag-rehabilitate ng kritikal na imprastruktura”, dagdag ng alkalde. (RONALD BULA)