Advertisers
NADAKIP ang isang lalaki na wanted sa kasong panggagahasa sa kanilang lalawigan sa Bicol nang matunton sa kanyang pinagtataguan sa Malabon City, Sabado ng gabi.
Sa ulat, isinagawa ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Allan Umipig ang pagtugis kay alyas “Alarcon”, 42, tubong Ligao City Albay nang makarating sa kanila ang impormasyon na nagtatago sa kanilang lungsod ang pugante.
Sa warrant of arrest na hawak ng mga tauhan ng Station Intelligence Section ng Malabon police ang warrant of arrest na inilabas noong Enero 12 , 2009 ng Ligao City Regional Trial Court (RTC) Branch 12 nang arestuhin nila si ‘Alarcon’.
Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi sa kanya ng pulisya ang arrest warrant sa tinutuluyan niyang bahay sa Sitio 6, Dumpsite, Brgy. Catmon 7:50 ng gabi para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Pansamantala nakakulong ang akusado sa custodial facility unit ng Malabon Police Station habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.(Beth Samson)