Advertisers
TODAS sa harap ng 2 kaibigan ang 23-anyos na dalaga ng barilin ito ng suspek na pumasok sa loob ng inuupahang apartment ng biktima sa Antipolo City kahapon.
Sa ulat ni P/Lt. Col. Jaime Pederio Jr., kinilala ang biktima na si Erika de Guzman ng Kalye Onse, Purok-2, Zone 8, Brgy. Cupang sa lungsod.
Sa paunang imbestigasyon ng Antipolo PNP, dakong 9:00 ng gabi ng sipain ng suspek ang pintuan ng apartment habang nagkukwentohan ang biktima at 2 kaibigan ng pagbabarilin ito na sanhi ng kanyang pagkamatay.
Nagsasagawa ngayon ng back tracking ng CCTV camera sa lugar ang mga awtoridad para matuloy ang salarin.
Bukod dito, nagsasagawa din ng technical crime scene investigation ang Rizal Provincial Forensic Unit. (Edwin Moreno)