Advertisers

Advertisers

Torre, Torres!

0 24

Advertisers

Laman ng balita ngayon si Gen Nicolas Torre III, ang kauna-unahang hindi PMAer na naitalagang pinuno ng Philippine National Police.

Ito ay dahil sa paraan ng pagpatol niya sa hamong suntukan ni Acting Mayor Baste Duterte ng Davao.

Maraming humanga sa PNP Chief sa kakaibang pagtanggap na bakbakan kontra sa anak ni Rodrigo Duterte.

Bukod sa pagharap sa challenge ay nagawa pa niyang charity event ito.

Tinaguriang Boxing for a Cause na idinaos sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz sa Maynila.

Seryoso ang hepe ng mga pulis kahit maraming kesyo-kesyo si Baste.

Nag-ensayo ang isinilang sa Jolo, Sulu sa gym at tumakbo sa oval ng Camp Crame. Sinariwa rin niya ang panahon na bahagi siya ng PNPA boxing team sa Silang, Cavite.

Kumpleto sa venue at mga sponsor ang sagot niyang boxing match nila.

Unang sumikat si Gen Torre nang bilang ulo ng CIDG ay naresto niya sina Pastor Apollo Quiboloy at dating pangulo Duterte na pinahirapan siya ng todo.

Bago ang gusto sanang gulpihin ni Baste D ay may isa pang Torre na naging bantog sa larangan ng ajedres. Siya si Eugene Torre na first na grandmaster sa Asia. Nakamit ng Pinoy ang karangalan taong 1974.

Matagal siyang hari ng sport sa Pinas at nagkaroon ng peak rating ng FIDE na 2580 noong 1983. Bale pang-20 siya sa buong mundo.

Kaibigang matalik siya ni Bobby Fisher at naging second sa mga huling laban ng Amerikanong kampeon.

Tapos sa basketball naman nandiyan ang isang Torre rin literally at figuratively. Siya si Norbert Torres (may s sa dulo) na kasalukuyang big man ng Meralco Bolts.

“ Expiring ang kontrata ko kaya naghahantay lang ako ng development,” wika sa atin ng Filipino- Canadian.

Ang produkto ng La Salle University kasama asawang si Bea na UP graduate ay nakausap natin noong isang araw.

Nang tanungin natin ang 6’6 na sentro kung ano plano niya sa pagreretiro ay heto kanyang tugon.

“ Plano ko magnegosyo dito sa Pilipinas “

*Oo dito na kami permanente ng pamilya ko at hindi sa Canada.*

Biniyaan sina Norbert at Bea ng isang anak na babae na pinangalan nilang si Zarina..

Pinag-agawan siya ng ilang unibersidad bago nagpasiyang maging Green Archer 8th over-all pick si Torres ng Star Hotshots noong 2015. Nagdribble din siya sa Phoenix, TNT at Rain or Shine.

Pamangkin ng kaibigan nating si Gords Torres ng Calumpit at Toronto ang 35 anos na PBA player.

***

Sa isang meme sa Facebook ay sinabi ni Tito Varela na batid ni Robert Jaworski na sa kanya nakatutok ang mga TV camera lalo na sa deadball kaya exaggerated ang kanyang galaw at sinasabi, Conscious daw si Big J na nasa kanya attention ng karamihan.

Ayon sa basketbolista na naging reperi ay aakalain ng mga manonood na pagmumura sa mga taga-pito ang lumalabas sa bibig ni Jawo. Pero ang totoo daw sila ay walang naririnig. Lip reading lang daw iyon ng mga tao.

Totoo naman kaya ito?