268 puganteng dayuhan inaresto ng BI sa loob ng anim na buwan, patunay na hindi safe haven ang Ph sa mga kriminal
Advertisers
INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) ang pagtaas ng bilang ng mga puganteng dayuhan na naaresto sa unang bahagi ng 2025 .
Base sa ulat ni fugitive search unit (FSU) Chief Rendel Ryan Sy sa BI, nakapagtala ang ahensya ng 268 na pag-aresto mula Enero hanggang Hunyo kung saan mayroong apat na ulit na pagtaas mula sa dating 69 na naitala noong isang taon sa parehong period.
Sinabi ni Sy na kabilang sa mga naarestong dayuhang pugante ay isang Korean national na si Lee Jihwan, na naaresto noong January 8 saTalisay City, Cebu, sa kasong violent robbery sa South Korea.
Ayon sa mga awtoridad, si Lee at and kasabwat nito ay intake ang biktima nang may tangang palakol at pwinersa ang biktima na magtransfer ng KRW 10 million sa kanilang account.
Isa pang Korean national, na si Chu Hoyong, ay naaresto noong February 13 sa kasong fraud kung saan nakapanloko ito ng halagang KRW 2.26 billion sa kanyang biktima gamit ang pekeng real estate bilang collateral. Siya ay itinuturing bilang high-value target ng Korean authorities at di umanoy nauugnay sa telecom fraud operations sa Pilipinas.
Sa pagitan ng Enero at Abril,apat na Japanese nationals na pinaniniwalaang miyembro ng “Luffy” syndicate, ang naareston arrested dahil sa pagiging wanted sa kanilang bansa. Diumano ang kanilang modus ay magkunwaring pulis para gayahin ang makapasok sa bahay ng kanilang bibiktimahin para kanilang bahay para makapagnakaw.
Iniulat din ni Sy na noong May 21, pito pang Japanese nationals na kunektado sa “JP Dragon” syndicate ay naaresto dahil sa parehong krimen. Ang nasabing grupo ay kilala din sa pamumuntirya ng mga nakatatandang biktima habang nagpapanggao bilang mga awtoridad at saka nanakawin Ang kanilang ATM cards at banking details.
Ang umanoy lider ng sindikato na si Ryuji Yoshioka, ay naaresto. noong June 4 sa Angeles City, Pampanga.
Lahat ng mga inarestong indibidwal ay sasailalim sa deportation proceedings at patatalsikin palabas ng bansa dahil sa pagiging undesirable aliens.
Samantala , naitala naman ng BI ang halos 8% na pagtaas sa total arrivals mula January hanggang June 2025, kumpara sa parehong period noong isang taon.
Sinabi naman ni BI spokesperson Dana Sandoval na nakapagproseso ang BI ng kabuuang 7,840,728 arrivals noong first half ng taong 2025 mula sa 7,268,465 noong 2024.
Pinakamaraming dayuhan sa nasabing arrivals ay mula sa United States (753,544), sunod ang South Korea (745,623), Japan (256,776), China (229,915), at Australia (188,082), sabi pa ni Sandoval said. (JERRY S. TAN/ JOJO SADIWA)