Advertisers

Advertisers

Kadete ng barko tumalon sa dagat, ‘missing’

0 28

Advertisers

Nagsagawa ng malawakang search and rescue (SAR) operations ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa nawawalang deck cadet na si G. Usman Avela, na umano’y tumalon mula sa barkong MV Blessed Sea Journey sa karagatang sakop ng Lagari Point, Naujan, Oriental Mindoro noong gabi ng Hulyo 26, 2025.

Ayon sa ulat, huling namataan si Avela, 10:40 ng gabi habang ang nasabing barko ay nasa biyahe mula Baseco, Maynila patungong Coron, Palawan. Lulan ng MV Blessed Sea Journey ang 137 pasahero, 32 crew members, at dalawang rolling cargo nang mangyari ang insidente.

Kaagad na nagsagawa ng paunang paghahanap ang mga tripulante ng barko at onboard PCG Sea Marshal gamit ang rescue boat, subali’t bigo silang matagpuan ang nawawala.



Kasunod nito, sumama na rin sa operasyon ang mga tauhan ng Coast Guard Mobile Post (CGMP) Naujan at nagsagawa ng shoreline search mula sa Barangay Sta. Cruz, Naujan. Kasabay nito, pinakilos rin ang pinagsanib na puwersa ng PCG at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na naglayag mula Barangay Tawagan, Calapan City gamit ang PDRRMO sea ambulance.

Inalerto na rin ng PCG ang Maritime Safety Services Unit-Palawan upang magsagawa ng Maritime Casualty Investigation sa pagdating ng barko sa Coron, Palawan upang tukuyin ang mga posibleng dahilan ng insidente.



Nakipag-ugnayan din ang PCG sa mga opisyal ng barangay at nananawagan sa mga residente sa baybayin ng Naujan at mga karatig-lugar na agad ipagbigay-alam sa awtoridad kung may makikitang palatandaan o may impormasyong makakatulong sa paghahanap sa nawawalang deck cadet.(Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">