Advertisers
TINAPIK ng Magnolia Hotshots si PBA veteran player LA Tenorio bilang bagong head coach ng koponan.
Kinumpirma ni San Miguel Sports Director Alfrancis Chua ang pagkakatalaga sa dating Barangay San Miguel star guard.
Sinabi ni Chua na noong nakaraang buwan pa ay nagkaroon na ng pag-uusap ang koponan at si Tenorio.
Hindi na bago maging coach si Tenorio dahil siya na rin ang nag-coach ng Gilas Pilipinas Boys team.
Si Tenorio na nai-trade sa Ginebra mula Magnolia noong 2012 ay nagkamit ng apat na Finals Most Valuable Player awards kung saan tatlo dito ay mula sa Ginebra at nagwagi rin siya ng 2013 Best Player of the Conference.