Advertisers
Sigurado na! Totoong tatakbo si Leni Robredo.
Ito ay sa ika-19:ng Hulyo para sa Angat Bayanihan Run sa Ayala Triangle sa Makati.
Ito ang selebrasyon para sa mga volunteer ng NGO na itinatag ng dating Bise Ptesidente noong 2022. Nagsimula ito bilang major na proyekto ng OVP taong 2016 kaya bale sampung taon na sila.
Ang nakatutuwa ay agad napuno ang mga slot sa mga kategorya ng patakbo.
” llang oras lang ay sarado na registration para sa 5,000, kahit nadagdag pa kami ng 3,OOO ay naubos din sa loob ng ilang minuto lang, ” wika sa atin ni Raffy Magno, Executive Director ng Angat Buhay.
Ang mga kilometrahe na tatakbuhin ay 1K, 3K, 5k, at 10K. Mayroon ding 1K na dog run.
Masaya ito tiyak.
Yun namang paglahok ni Leni sa pagkapangulo sa 2028 ay patuloy nating ipagdasal.
Huwag tayo mawalan ng pag-asa na sa takdang panahon ay makumbinse siyang pumalaot sa presidential race Gaya noong mga nakaraang halalan ay nanaig kay LGR ang paglilingkod sa Pilipino kay sa ang personal na interes. si ya kasi ang da bes!
***
Hindi naniniwala si Tata Selo na mananatili si Bronny James ngayong season sa LA Lakers.
Ayon sa ilang ulat ay panahon na raw na dapat patunayan niya ang sariling kakayahan na wala sa tabi ang ama.
Pero taliwas dito ang palagay ni Tatang.
Kung saan pipirma si LBJ ay doon din lilipat ang panganay na anak sabi niya.Kaya may trading na magaganap.
Malamang humingi lang ang Lakers ng 2nd round pick bilang kapalitan..
Baka ito dahilan kung bakit wala pang pormal na pahayag kung anong koponan siya mapupunta. Parang buy 1 take 1.
Matatandaan na nahugot si Bronny na 55th pick over-all noong 2024.
Kaya ke sa Miami, Golden State, Philadelphia o sa anumang prangkisa ay package deal yan.
***
Hindi maitago nina Alex Eala at BBM ang kanilang excitement sa pagkikita noong Lunes sa Malacañan.
Parehong halata ang ligaya nila nang magtalumpati sa okasyon. Kapwa nagsalita mula sa puso.
Malaking karangalan sa ating tennis ace ang pagpapahalaga ng presidente habang big fan naman si FM Jr ni Alex.
Pati mga magulang ng numero 28 sa WTA rankings ay pinuri nang husto ng pangulo.
***
Dating sinakop ng España ang Argentina. Ngayon kapwa sila world power sa soccer at nagharap sa 23rd FIFA Cup.
Habang sinusulat natin ang pitak na ito ay sila ang nagtatagisan para sa titulo ng quadrennial event.
Matira matibay.