Advertisers

Advertisers

Alex Eala puntirya ang ginto sa Asian Games

0 3

Advertisers

BALAK ng Filipino tennis ace na si Alex Eala na muling sumabak sa Asian Games sa Japan ngayong Setyembre, puntirya ang gold medal finish.

Nag-debut si Eala sa Asian Games sa China noong 2023 noong siya ay 18 taong gulang.

Nakapasok ang lefty netter sa semifinal at nakuha ang bronze medal.

Nakuha rin ni Eala ang bronze medal sa mixed doubles kasama si Francis Casey Alcantara.

Ipinaliwanag ng 21-anyos kung bakit siya nag-eenjoy na makipagkompetensya para sa Pilipinas sa mga regional multisport events tulad ng Asian Games o Southeast Asian Games.

“Well, it’s always an honor. I think it’s different when you play in the Southeast Asian Games or in the Asian Games or in the Olympics. I think it’s different,” wika ni Eala.

Noong Disyembre sa Thailand, naglaro si Eala para sa Pilipinas at tinapos ang 26-taong tag-tuyot sa gintong medalya ng bansa sa women’s singles sa SEA Games.

Samantala, sasabak si Eala sa WTA 1000 Cincinnati Open na nakatakda mula Agosto 8 hanggang 23 sa Ohio, Estados Unidos.

Nasa listahan na si Eala sa website ng torneo.

Ang Cincinnati ang magiging ikatlong torneo ni Eala sa North American hard court swing pagkatapos ng 500 Mubala DC Open at 1000 Canadian Open.

Ang Mubala ay nakatakda mula Hulyo 27 hanggang Agosto 2 sa Washington habang ang Canadian Open ay nakatakda mula Agosto 1 hanggang 13.

Katulad sa Canadian Open, ang world No. 28 na si Eala ay nasa tamang landas para makatanggap ng seed na nagbibigay ng first-round bye.

Pagbalik sa Pilipinas matapos ang makasaysayang pagtatapos sa ika-apat na round ng Wimbledon, si Eala ay nakikipag-meet and greet sa mga fans at may media availability.