Advertisers
SA kabila ng pagpapakalat ng maling impormasyon na mayroong financial assistance na ipinamimigay ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) maging sa mga naapektuhan ng high tide, ay pinatawad pa rin ito ng hepe ng nasabing departamento noong Lunes, July 28, sa tanggapan ng SMaRT, Manila City Hall.
Sa isang eksklusibong pakikipanayam sa hepe ng MDSW na si Jay Reyes Dela Fuente sa telepono, nabatid na inurong na ng abogado ng MDSW na si Atty. Ernest Hil Chan ang mga reklamong isinampa ni Dela Fuente kay Brgy. 20 Chairman Anthony Igos kabilang na ang pag-aanunsyo ng maling impormasyon, encroachment of job at iba pa.
“Alam mo Andi, kilala mo ako, hindi ako nagtatanim, maklaro o mabigyan liwanag lang ang Isang usapin na nadawit ang ang pangalan ko o ng ahensyang pinamumunuan ko, ayos na sa akin. Ang mahalaga naituwid agad yung kumalat na maling impormasyon. Basta sa akin, sinabi ko kay Chairman Igos, wag na lang niyang uulitin.”
Idinagdag pa ni Dela Fuente na: “Biruin mo naman yung dagsain ka ng mga tao by the hundreds , demanding financial assistance, magtataka ka talaga at magugulat. Hanggang sa nalaman ko ang pinagmulan kaya nagpaliwanag ako sa mga tao…seryoso ang pagpapaliwanag ko kaya medyo malakas ang boses ko. Sa ganitong trabaho ‘di mo kailangang magalit maubusan ng pasensya, pero kailangan mo ding ipaliwanag sa kanila ng maayos at naiintindihan.”
Matatandaan na isang post sa social media ang mag-viral matapos makuhanan ng video si Dela Fuente habang nagpapaliwanag sa mga residente ng Brgy. 20 na umano’y nagde-demand ng financial assistance sa loob ng evacuation site, base sa impormasyong nagmula Kay Ch. Igos.
Sa nasabing video ay maririnig si Dela Fuente na paulit-ulit na nagsasabi na: “Wala na kaming ibinigay sa inyo, magsi-uwi na kayo sa bahay nyo”.
Ang tinutukoy ni Dela Fuente ay walang financial assistance na maibibigay ang ahensya dahil sadyang wala naman talaga.
“The financial assistance being given, are for those who have been totally displaced and for fire victims, while those who were affected by high tide only, such as those in the evacuation center are given shelter and meals only, ” paliwanag ni Dela Fuente. (ANDI GARCIA)