Advertisers

Advertisers

Heart inawat magpabongga sa SONA

0 16

Advertisers

Ni Archie Liao

NAGBIGAY ng panawagan si House Speaker Martin Romualdez sa kanyang mga kasamahan sa itaas at ibabang kapulungan na gawing simple lang subalit makabuluhan ang pagdaraos n g SONA (State of the Nation Address) na nakatakdang ganapin sa Hulyo 28.

Aniya, hindi raw makatuwiran na magpabonggahan o magpagarbuhan sa kasuotan ang mga dadalo sa nasabing event sa panahong lugmok ang bansa sa kalamidad at di pa nakakabangon sa hagupit ng magkakasunod na mga bagyo sa bansa.

Aniya: “In the past weeks, Storms Crising, Dante, and Emong have displaced families, destroyed livelihoods, and left many of our kababayan (countrymen) struggling to get back on their feet,” aniya. “It would be out of touch to maintain a show of pageantry while our people are still in recovery, ” dugtong niya.

Dahil sa pahayag niyang ito, hindi naman maiwasang mag-react ng kibitzers.

Hirit ng mga katkatera, inawat daw ng mambabatas ang mga fashionistang tulad ni Heart Evangelista na hindi nawawala sa listahan ng best dressed personalities tuwing merong SONA.

Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.

“Paano na si Heart?”

“For sure, kahit simpleng gown, di pakakabog si Heart.”

“Naku, bago pa magbagyo. Pinaghandaan na iyan ng mga senadora at congresswomen. Sayang naman ang gown kung di susuotin.”

“Knowing Heart, she can make a statement kahit simpleng gown.”

“Hahaha. Inawat talaga si Heart.”

“Nakaugalian na kapag SONA ay fashion show galore.”

“Feeling ko di paaawat si Heart.”

“May point naman si House Speaker. Awkward na magpagarbo kung naghihirap at nagugutom ang bayan.”

“Hindi lang naman si Heart ang nagpapagarbo kapag SONA. Pati iyong mga senadora at mga congresswomen, kaya huwag naman sana siyang i-single out.”

“Nagkataon kasi na siya iyong fashion icon at pinag-uusapan talaga kapag rumampa na siya sa red carpet sa Sona.”

“All eyes are on Heart talaga.”