Advertisers

Advertisers

Babaeng tulak, timbog sa Navotas

0 64

Advertisers

Arestado ang isang babaeng drug suspect nang makuhanan ng higit P1.6 milyong halaga ng illegal na droga sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City, Miyerkoles ng madaling araw.

Sa ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Jerry Protacio, ni Navotas Police chief P/Col. Renante Pinuela , kinilala ang naaresto na si alyas “Rose”, 47-anyos.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas police na sangkot umano sa pagbebenta ng shabu, marijuana oil at ecstasy ang suspek kaya isinailalim nila ito sa balidasyon at nang magpositibo ang ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Col. Pinuela ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA matapos na makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng SDEU na nagpanggap na buyer.



Makarang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng ibinenta niyang droga, agad inaresto ng mga operatiba ng SDEU ang suspek sa H. Lopez Street, Brgy. San Rafael Village, I2:57 ng madaling araw.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 73.65 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P500,820.00, 302 tablets ng suspected ecstasy na nasa P513,400.00 ang halaga, 90 vape cartridges ng umano’y marijuana oil na nagkakahalaga ng P630,000.00 at marked buy-bust money.



Nakatakdang sampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Navotas City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng inquest proceedings.(Beth Samson )

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">