Advertisers

Advertisers

Onyok gumuwapo nang lumaki, kamukha ni Coco

0 12

Advertisers

Ni Beth Gelena

MAY agam-agam ang PBB Big Winner Duo na si Brent Manalo (with Mica Salamanca) nang pasukin niya ang showbiz.

Kung tutuusin bale, second chance ni Brent ang mapag-usapan sa showbiz.

Aniya sa isang panayam, “Ngayon, until now, hindi pa rin talaga masyado nag-si-sink in. Siguro, yung pagkapanalo talaga namin, hindi siya expected para sa aming dalawa. Kaya ngayon, parang nananaginip pa rin. ‘Yun ‘yung pakiramdam. Sabi ko, if ito (sa PBB), hindi pa talaga nag-work, I’ll take it as a sign na maybe it’s not really for me. Na may mga ganoon talagang bagay na kahit you want it so bad or kahit gaano mo ipilit, it doesn’t work out. ‘Yun, I’ll take it as a sign na hindi siya para sa akin.”

Nag-umpisa ang kanyang career 2018 nang maimbitahan siyang sumali at magworkshop sa Star Magic.

Pero, hindi siya nag-grow.

“Kasi naka-ilang subok na rin talaga ako. Kasi, I’m doing well with, like, my content—’yung other aspect ko sa career ko. Pero, when it comes to showbiz, I was really struggling, kasi I have faced so many rejections. And parang, tingin ko rin, hindi siya para sa akin kasi nga it doesn’t work out. Like, bigla, magkakaroon ng boost, tapos bigla, baba na naman. Ganun ganun. Yes. So, it’s like a yo-yo—parang, kumbaga, hindi consistent, kumbaga. Hindi consistent ‘yung trajectory, kumbaga.

“So, sabi ko, siguro ‘tong PBB—usually kasi ‘yung mga lumalabas sa PBB talaga, most of the time, they really come out very successful Ang dami ring nangyayari sa mga careers nila,” pag-amin niya.

Lalo na raw mas nahirapan siya nang magkapandemic.

“It was always during my breaking point. It always happens for me during that time na, ‘Okay na ‘to, wala na. Okay na ‘ko.’ Even with this one, sa showbiz, like, a few—I think, 2023, na parang I would always pray every night na, ‘Lord, please help me make a name for myself.’ Like parang, tulungan niyo ako sa ginagawa ko ngayon. Pero, it never came—like always na nabibigay talaga sa ‘kin nung pumasok ako, parang puro rejections.

“So, parang it came to a point na sobrang pagod na ako, ayoko na. Parang the first time ever after praying every single day na ‘Lord, please help me with my career.’ ‘Yung day na ‘yun, I was crying the whole day. Sabi ko, ‘Lord, wag na. ‘Wag na ‘yun. ‘Yung prayer ko na lang—bukas, sana pag gising ko, hindi na ito ‘yung pangarap ko. Sana ibahin niyo na lang, na iba na ‘yung gustuhin kong marating sa buhay.’

Patuloy niya, “Pero, ito, ito tayo, ito ako ngayon na, kausap niyo, even sharing this testimony of mine na, as long as you don’t give up on your dreams, nothing’s impossible.”

***

NAALALA ba ninyo ang batang si Onyok sa Ang Probinsyano?

Grabe ang laki na niya ngayon at ganap ng isang binata.

Ang daming nagsasabing lumaki si Onyok na kamukha ni Coco Martin.

“Yes parang magkamukha sila ni Coco. Sana magkita sila dlawa.”

” Hala kamukha na siya ni Coco Martin ang pogi”

“Sana pwede siya pumasok sa PBB Collab S2.”

“Matinee idol si Onyok Sana mag-artista siya muli”

“Hahaha I remember onyok. omg ang pogi ni Onyok sya na pala yan”

“Sana mag-guest siya sa batang quiapo. Hindi lang si Onyok pati ang mga batang nakasama niya Coco sa ang Probinsyano. Maiba lang”

“Look alike Park Bo Gum”

***

LUIS NAPAREAK NANG MAGSAYAW SI JESSY SA ASAP

GUEST si Jessy Mendiola sa ASAP last Sunday kung saan nagsayaw siya sa kanyang production number.

Syempre pa, nag-react si Luis Manzano sa mga kuha ng misis niyang si Jessy na nagpapamalas ng kanyang hitsura para sa kanyang ASAP comeback.

Ang mga larawang ipinost ni Jessy sa kanyang Instagram page ay nagpapakitang ipinagmamalaki niya ang kanyang hitsura.

Sa comments section, isa sa nagpahayag si Luis ng paghanga sa kanyang napakagandang misis.

“It feels so good to be back,” ani Jessy na maganda ang pose sa suot niyang leopard-print suit.

“May sumayaw ngayon. Salamat @asapofficial,” wika pa niya.

Ang tanging reaksyon ni Luis, “Uhm…. Hi,” nakakatunaw ng mga puso online sa kanyang suporta at mapagmahal na galaw.