Advertisers

Advertisers

Biado, Chua, Regalario swak sa KO stage sa Florida Open

0 12

Advertisers

PINATAOB nina Reigning world pool champion Carlo Biado, Johann Chua at Bernie Regalario ang kanilang kanya-kanyang kalaban para umabante sa last 64 knockout stage ng 2025 Florida Open Pool Championship sa Caribe Royale Resort sa Orlando Miyerkules Agosto 6.

Patuloy ang pananalasa ni Biado tinapon ang kanyang kapwa Filipino na si Roland Garcia,, 9-4, habang si Chua at Regalario ay dumaan sa butas ng karayom para makaligtas sa Norway’s Emil Gangflot at Canada’s John Morra, ayon sa pagkakasunod,na may parehong 9-8 scores.

Walo pang Filipinos ang lumalaban para sa sports sa susunod na stage na kabilang sina Lee Vann Cortez at Marvin Asis, naglalaro laban sa Finland’s Arseni Sevastyanov at Scotland’s Jayson Shaw at press time.

Samantala, si Garcia ay inilagay sa loser’s bracket kasama si Jefrey Roda, Patric Gonzales at Michael Baoanan, na natalo ang kanilang third-round matches.

Nalasap ni Roda ang 9-8 defeat sa kamay ni Greece’s Dimitris Loukatos; Gonzales nabigo sa Vietnam’s Duong Quoc Hoang, 9-3; at Baoanan yumuko sa Japan’s Naoyuki Oi, 9-5.

Harry Vergara, Roberto Gomez at Miguel Salvilla ay lumalaban pa rin para sa loser’s bracket matapos maagang matalo.

Ang tournament,na nagsimula sa 256-player field, ay may alok na $200,000 prize fund katumbas ng (P11.4 million) na ang champion ay magbulsa ng $40,000 (katumbas ng P2.2 million).