Advertisers
ANG Pilipinas ay nanateling bokya sa Group D sa FIBA Asia Cup 2025 matapos muling yumuko ang Gilas Pilipinas sa New Zealand, 94-86, Biyernes ng umaga sa King Abdullah Sports City sa Jeddah, Saudi Arabia.
Ang Filipinos na nabigo sa Chinese Taipei sa kanilang first game Miyerkules, ay natalo sa likod ng 18 points sa first half pero kinapos sa kanilang comeback bid sa second half.
Justin Brownlee umiskor ng game-high 37 points pero hindi naging sapat para ibigay sa Pilipinas ang tagumpay.
Dwight Ramos nagdagdag ng 19 points habang si June Mar Fajardo bumakas ng 11 points sa laro.
New Zealand ay pinamunuan ni Jordan Ngatai na umiskor ng 22 points at Taylor Britt na komulekta ng 19 points at seven assists.
Kailangan manalo ng Pilipinas kontra Iraq ngayon Sabado para manateling buhay angkanilang kampanya sa FIBA Asia Cup.