Advertisers
Sa halip na magsisihan ang iba-ibang mga ahensiya ng gobyerno o mga government officials sa tuwing nagkakaroon ng matinding pagbaha ay nangangailangan ng samasamang pagkilos ang mamamayan tulad sa pag-agap ng isang TOLLWAY COMPANY na bukod sa paglalatag ng mga seguridad para mabawasan ang mga aksidente sa hanay ng mga motorista ay nakikipagkoordinasyon ito sa mga kinauukulang ahensiya para sa pangmatagalang solusyon kabilang na ang pagpapatibay sa mga tulay at rehabilitasyon sa mga ilog at iba pang mga daluyang tubig.
“These initiatives are part of our continued commitment to providing safe and passable expressways, especially during severe weather conditions,” pagpupunto ni NORTH LUZON EXPRESSWAY (NLEX) CORPORATION OFFICER-IN-CHARGE and METRO PACIFIC TOLLWAYS CORPORATION CHIEF FINANCE OFFICER LUIS S. REÑON.
Sa inisyatibang maresolba ang mga problemang pagbaha ay 120 personnel araw-araw ang pinakikilos ng NLEX kabilang na ang mga kagamitan tulad ng amphibious backhoe, backhoe on barge, boom trucks, dump trucks at iba pa upang masolusyonan ang pagtaas ng mga tubig sa panahon ng mga halos walang tigil na pagbuhos ng ulan.., bukod pa ito sa regular inspections para masiyasat ang clearing operations at makita ang mga dapat maimpruba na mga lugar upang maibsan ang mga pagbaha.
Kadalasan kasi, sa tuwing nagkakaroon ng mga pagbaha ay kani-kaniyang turuan at sisihan ang iba’t ibang government agencies maging ang mga LOCAL GOVERNMENT UNITS (LGU’s) gayong ang mga ito ay may nakalaang pondo naman upang solusyunan ang epekto ng kalamidad..,subalit ang mga TOLLWAY MANAGEMENT pa ang napagbubuntunan ng sisi sa tuwing nababalam ang mga motoristang natetengga sa mga pagbaha.
Kung tutuusin ay nagagawa naman ng mga TOLLWAY COMPANY ang pagpapabuti sa sitwasyon ng mga kakalsadahang kanilang sakop dangan lamang ay may mga contributaries na nagdudulot ng mga pagbaha na ang mga ito ay nasa responsibilidad na ng iba-ibang LGU’s dahil sa mga daluyang tubig tulad ng mga ilog, sewage system o mga imburnal at iba pa.., na ang mga TOLLWAY COMPANY ay pamalagiang nakikipag-kolaborasyon sa mga LGU at government agencies para sa improbasyon ng mga lugar.
Nitong nakaraang August 4, 2025 ay inilunsad ang samasamang cleanup at clearing operations sa mga lugar na nababarahan ang mga waterways na ito ay puspusan na bilang bahagi ng collaborative efforts sa layuning maisaayos at malinis ang lahat ng mga daluyang tubig upang maibsan ang mga matinding pagbaha.
“Nagpapasalamat kami kay Sec. Vince Dizon for initiating this project. Ang pagtutulungang ito ay sumasalamin sa pinagsama-samang hangarin ng NLEX Corporation at mga katuwang na ahensya ng pamahalaan na magpatupad ng mga hakbang laban sa pagbaha at mapabuti ang safety at travel experience ng mga motorista,” pahayag ni Reñon na
ang NLEX Corporation ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MOTC) o ang toll road na kaagapay ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC).
Sa mga ganitong samasamang pagkilos ng mamamayan ay kinakailangang magkaroon ng aktibong panawagan sa pamahalaan para sa pagpapanagot sa kakulangan ng marapat na pamamahala ng ating LGU’s dahil batid ng sambayanan na bawat LGU ay naglalaan ng malalaking pondo para sa flood control program.., pero tila hanggang photo ops lang ang programa at nagigiging bahagi na lang ng GUNIGUNING PROYEKTO?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.