Advertisers
NASAWI ang isang construction worker nang barilin ng isang retired Philippine Navy na kainuman nito sa Barangay Lapidario, Trece Martires City, Cavite
Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo si Marlon Velasco, 47 anyos, at nakatira sa nasabing lugar.
Ayon sa report, tinangka pang itago ng salarin na si alyas Ric, 59, retired Philippine Navy, at kapitbahay ng biktima ang ginawa nitong pagpatay sa biktima.
Sa ulat, 2:40 ng hapon nang maganap ang insidente. Nag-iinuman ang dalawa nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pinag-uusapan, na nauwi sa pa-mamaril.
Napikon umano ang dating sundalo kung kaya nagawa nitong barilin ang biktima.
Base sa nakasaksi sa insidente, nakarinig ito ng putok ng baril kung kaya agad itong nagpunta sa pinagmulan ng putok, at naabutan ang salarin na may hinihilang mga bakal na itinatakip sa naka-handusay na biktima upang hindi ito makita.
Mabilis na nai-report sa barangay ang insidente at agad naaresto ang salarin.