Advertisers
Kung may “Mr. Pogi” contest sa Gabinete, malamang automatic finalist si Secretary Small. Matikas ang katawan, barong na parang custom-tailored sa superhero, at may ngiting puwedeng gawing logo ng toothpaste. Pero sabi nga ng mga beteranong tsismosa sa Kapitolyo, looks can be deceiving.
Ayon sa ating mga source na certified marites level 10, may tinatagong miniature wonder daw si Sekretaryo. At ang sikreto? Ibinubulong ng isang kilalang celebrity na minsan ay naging leading lady niya sa tunay na buhay. Sa mga kwento, akala raw ng beauty queen na ito ay Dynamite King ang kanyang macho man — ang tipong kapag pumutok, magigising pati barangay captain sa kabilang bayan. Pero nang dumating ang moment of truth, ayun… Watusi edition. At hindi pa yung imported, kundi yung mumurahing nababasa agad at ayaw magliyab kahit pinukpok mo ng dalawang kahon ng posporo.
“Parang bumili ka ng family-size pizza,” sabi ng celebrity, “pero isang pirasong breadstick lang ang laman.”
Kung utak naman ang pag-uusapan, ayon sa ilang kasamahan sa opisina, medyo matchy-matchy daw sa sukat ng kargada. Sa mga talakayan na puno ng brusko at big-time decision makers, siya raw ang tipong nag-aabot ng kape… sa maling tao. May isang beses pa raw, nagtanong siya kung bakit tinatawag na brainstorming ang meeting, eh wala namang bagyo sa labas.
Dagdag pa ng mga insider, hindi lang sa “physical department” siya binibitin — pati sa opisina, madalas ding wala. Hindi dahil sa dami ng trabaho, kundi dahil iwas sa mga kasama niyang diumano’y kumukulo ang dugo sa kanya. Ayon sa tsismis, bihira raw magpakita si Secretary Small sa departmento. Mas madalas siyang makita sa isang magarang mansion sa isang kilalang lungsod sa Metro Manila, kung saan mas komportable raw siya — malayo sa mga rolling eyes at bulungan ng mga empleyado.
Pero bakit nga ba nananatili sa puwesto si Secretary Small? Ayon sa mga analyst, master daw ito sa tatlong bagay: photo ops, pagpapapogi, at pagpapaalala sa lahat kung gaano siya ka-busy kahit naka-standby lang sa gilid. Kapag may media, laging nasa harap — naka-rolled up ang manggas, hawak ang cellphone, kunyaring may kausap na world leader (pero naka-loudspeaker lang pala ang playlist ng 80s love songs).
Sabi ng isa naming source: “Kung ang ibang opisyal ay machine gun sa trabaho, ito si Sekretaryo… water pistol na walang laman.”
At sa dulo, isang paalala mula sa kwento ni Secretary Small: “Hindi lahat ng malaking kahon, pasabog ang laman. Minsan, puro karton lang at kaunting Watusi sa sulok.”