Advertisers
HANDA na ang lahat ng sistema para sa pagdaraos ng kaganapan sa sikaran bilang bahagi ng pagdiriwang ng 4th FESTIVAL SA TANAY HANE 2025 sa bayan ng Tanay,lalawigan ng Rizal.
Sisikad sa naturang festival ang Open Martial Arts Tournament na lalahukan ng mga lokal at dayuhang entusyastiko sa larangan na gaganapin sa Nobyembre 16,2025 sa Tanay Municipal Basketball Court.
“Halos dalawang buwan na lang at malapit na ang Festival sa Tanay Hane. Isa sa pinagmamalaki natin ang Sikaran event na dadaluhan ng iba’t ibang Matial Artist sa Pilipinas at mula sa buong mundo. Magtatagisan ang mga kabataang mahilig sa larong martial art lalo na sng mga taga- Tanay kaya save niyo na sa kalendaryo sa Nobyembre 16,araw ng Linggo sa Tanay basketball gym, let’s go!”, wika ni GSF Raven Sikaran Tanay founder/ president/ CEO Master Crisanto Cuevas( secgen ng Global Sikaran Federation na pinamumunuan ni Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag na nakabase sa Estados Unidos).
Optimistiko ang multi martial arts walk of fame at prestigious award giving body international figure awardee na si Cuevas sa panibagong tagumpsy ng pet project niyang sikaran festival sa Tanay Hane dahil na rin sa suporta ng local government unit (LGU) ng bayan sa pamumuno ni Tanay Mayor RM Tanjuatco. (Danny Simon)