Advertisers
TULOY ang martsa ng Asian Games champion Iran sa next round ng FIVB Men’s World Championship matapos padapain ang host Philippines, 21-25, 25-21, 17-25, 25-23, 22-20,Huwebes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Outside hitter Poriya Hossein Khanzadeh Firouzjah nagdeliver ng 22 points (19 attacks at three aces) habang opposite Ali Hajipour Moghadam Farouji may 19 points off 14 attacks at three blocks para sa Iran na tinapos ang kanilang kampanya sa Pool A na may 2-1 rekord.
Ali Haghparast at Yousef Kazemi Poshtpari nagdagdag ng nine at eight points, ayon a pagkakasunod.
Iran nabigo sa Egypt (17-25, 25-16, 23-25, 20-25) noong Setyembre 14 pero nagtagumpay laban sa Tunisia (23-25, 25-20, 25-23, 25-16) noong Setyembre 16.
Skipper Bryan Bagunas pinamunuan ang opensa ng Alas Pilipinas sa iniskor na 22 points off 18 attacks,three blocks at one ace.
Leo Ordiales umiskor ng 21 points (19 attacks, one block at one ace), sinundan ni Marck Espejo na may 15 (12 attacks at three blocks) at Kim Malabunga may 10 (six attacks, two blocks at two aces).
Matapos mabigo ang kanilang opening match sa Tunisia (13-25, 17-25, 23-26) noong Setyembre 12,ginulat ng Pilipinas ang 11-time African champion Egypt (29-27, 23-25, 25-21, 25-21) nakaraang Martes para makamit ang makasaysayang unang panalo sa World Championship.
Ang Round of 16 ay magsisimula sa Sabado habang ang kumpetisyon ay ipagpatuloy ang single elimination format sa pamamagitan ng quarterfinals,semifinals, at ang final para matukoy ang mananalo.
Philippine National Volleyball Federation president Ramon Suzara, na nagsisilbi rin na Asian Volleyball Confederation president, ang namuno sa local organizing committee, co-chaired ni presidential son Vincent Marcos, Senator Peter Cayetano at Tourism Secretary Christina Frasco.