Advertisers

Advertisers

DISCAYA AT ALCANTARA, HINIMOK NI SEN. ERWIN TULFO NA KUMANTA NA RIN SA ICI

0 17

Advertisers

HINIHIMOK ni Senate Blue Ribbon Vice Chairman Erwin Tulfo ang mag-asawang sina Pacifico “Curlee” at Sarah Discaya, gayundin si dismissed Bulacan First District Engineer Henry Alcantara na gayahin ang ginawa ni dating Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez at sabihin na din sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mga kasabwat nilang matataas na opisyal sa pamahalaan.

“Si Brice ay nagbigay na raw ng mga sensitibong impormasyon sa ICI ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, so dapat gayahin na rin ng mag-asawang Discaya at ni Alcantara ito,” ayon kay Sen. Tulfo.

Aniya, “kung natatakot silang kumanta sa Blue Ribbon, e di sa ICI na lang dahil strictly confidential ang kanilang magiging pahayag doon pero under oath pa rin siyempre.”

Ang ICI ay itinatag ni Pangulong Bongbong Marcos kamakailan para mag-imbestiga sa malawakang korapsyon sa mga imprastraktura sa bansa partikular sa flood control projects. Layon ng ICI na matukoy kung sinu-sino ang mga nagsabwatan para ibulsa ang daan-daang bilyong pondo sa flood control at makasuhan ang mga ito sa korte.

Nangako ang Pangulong Marcos na walang sisinuhin ang ICI na kasuhan kahit na kaibigan, kamag-anak o kaalyado pa ng administrasyon.

Samantala, umaasa umano si Tulfo na mamadaliin na rin ng ICI ang pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot dahil marami na rin ang ebidensya na naglabasan, kabilang na ang mula sa mga naging pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

“Let’s wait and see na lang sa resulta ng imbestigasyon ng ICI kung sino-sino ang makakasuhan sa korapayon sa flood control tutal halos may ideya na rin ang taumbayan kung sino ang mga matataas na opisyal na nasa likod nito,” pahayag pa ni Sen. Tulfo. (JERRY S. TAN)