Advertisers

Advertisers

BAGONG PALIPARAN

0 50

Advertisers

BINAGABAG ng maraming usapin ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Pangunahin ang suliranin sa overcapacity. Dinisenyo ang NAIA upang kanlungin ang hindi lalampas sa 35 milyon pasahero kada taon. Ngunit dahil sa paglago ng pandaigdigang ekonomiya, sumigla ang paglalakbay sa ibayong dagat. Lumampas sa takdang kakayahan ng kasalukuyan.

Hindi kinaya ng kasalukuyang imprastraktura ng NAIA ang pagdami ng mga pasahero tungo sa ibayong dagat at pagsigla ng pandaigdigang paglalakbay. Binatikos ang pamunuan ng NAIA dahil makaluma at hindi na akma ang pasilidad ng paliparan. Bukod, itinuturing na labis na mataas ang singil sa paggamit nito.

Ito ang pinakabuod kung bakit kung bakit ibinigay ng gobyerno ni BBM ang pamamahala ng NAIA sa pribadong sektor. Kinuha ng New Ninoy Aquino International Airport Corporation (NNIC) ang kontrata upang iakma sa pandaigdigang pamantayan ang NAIA at paunlarin ang serbisyo sa kasiyahan ng mga pasahero. Ito ang layunin ng pagsasapribado ng operasyon sa NAIA dahil hindi umuunlad ang serbisyo sa paliparan.

Ari ng consortium, o grupo ng mga pribadong kompanya ang New NAIA Infrastructure Corp., o NNIC, na nangangasiwa sa operasyon ng NAIA. Pinangungunahan ng San Miguel Corp. (SMC), ang NNIC. Kasama sa consortium ang Incheon International Airport Corp ng South Korea, RMM Logistics Inc., at RLW Aviation Development Corp. Nangyari ang takeover noong ika-14 ng Setyembre, 2024.

Isang malaking korporasyon ng pagkain ang SMC sa Silangang Asya. Nasa imprastraktura ito. Ito ang nagpapatakbo ng Skyway at NLEX. Tinatapos ng SMC ang MRT-7 sa kahabaan ng Commonwealth Ave. Sa Quezon City at patungo ito sa San Jose del Monte City.

Sa pagsaklaw sa NAIA, inilunsad ng NNIC ang isang modernization program na may kabuuang budget ng P170.6 bilyon upang paunlarin at gawing moderno ang serbisyo sa paliparan ayon sa pandaigdigang pamantayan. Layunin ng programa na iangat ang kalidad ng tatlong terminal ng NAIA – Terminals 1, 2, at 3, pasiglahin ang air traffic, at paganahin ang operasyon nang hindi gumagastos ang gobyerno.

***

MARAMING nangyari mula ng kunin ng NNIC noong nakaraang taon ang minimithing kontrata sa operations at maintenance ng NAIA. Tatagal ng 15 taon ang kontrata. Maaaring palawigin o tapusin agad batay sa susunod na kasunduan.

Dahil inaasahan ang paglaki ng dami ng pasaherong gagamit ng NAIA mula 35 milyon hanggang 62 milyon kada taon, kagyat na inayos ang mga pasilidad ng tatlong terminal bilang bahagi ng inilaang P170-B na budget na ayusin ito sa buong panahon ng kontrata. Ginawa agad ang mga sumusunod: facade facelift, upgraded baggage handling, at service upgrade.

Kumita ang gobyerno ng P48.3-B sa unang taon ng operasyon ng NNIC at kasama sa halagang ito ang P30-B na paunang kabayaran sa kontrata. Hindi lang ito. Kagyat na umunlad ang karanasan ng mga pasaherong gumamit ng NAIA. Mayroon high-speed Internet service, upgraded retail at F&B (foods and beverages) services at pinaunlad ng airport security.

Tunay na pinagbuti ng NNIC ang kalidad ng serbisyo upang umayon ang pamantayan ng mga pandaigdigang paliparan sa buong mundo.Dumami ang bilang ng mga eroplanong lumanding at umalis sa NAIA at ang pasahero na sumakay sa kanila.

***

AYON kay Ramon S. Ang, pangulo at CEO ng SMC, nahigtan ng NNIC ang mga inaasahan sa loob ng isang taon ng takeover at paglunsad ng modernization program. “It is a demanding task to operate an airport the size and scale of NAIA,” ani Ang, o RSA . “Thanks to the dedication of our people on the front lines and behind the scenes, the airport is now running more flights and serving more passengers, all in safety and on time.”

Ani RSA: “Since the Sept. 14, 2024, takeover, NNIC has immensely upgraded the airport’s capability, enabling it to handle 283,771 flights that brought in 51.7 million passengers, 2.9 million more than in the same period in the previous year, all under the private operator’s management.”

Dagdag niya: “Over that one-year period, NNIC has remitted more than P52 billion to the government, including the P30 billion payment made upfront. It is also turning over 82% of the airport’s revenues to the government.”

Bukod sa walang gastos ang gobyerno sa operasyon nng NAIA, kumikita pa ito bukod sa pag-unlad ng mga pasilidad at serbisyo nito, aniya. May inilaang P72-B ang NNIC para sa limang taon na modernization project, ngunit gumastos ito agad ng P3.5-B sa unang taon. Maraming nangyari sa halagang ito, ani RSA.

Ayon kay RSA, inilunsad ang bagong facial recognition system gamit ang serbisyo ng Collins Aerospace. “That means travelers will be able to check in, drop bags, clear security, and board flights using just their face,” aniya.

Inayos at pinaunlad ang aircraft parking stands at taxiway improved, aniya. Inalis na rin ang mga inabandonang sasakyang panghimpapawid upang magkaroong ng mga espasyo.Ngayon, may mga idinagdag na 47 airline partners.

Ani RSA: “Inside the terminals, passengers are seeing 11,820 new chairs, 2,500 baggage trolleys, 21 new air-conditioning units and chillers, and Wi-Fi upgraded from 1G to 10G. All escalators, walkalators, and elevators are now working like clockwork.”