Advertisers

Advertisers

LIBO-LIBONG PEKENG INSECTICIDES SA TONDO AT VALENZUELA, NAKUMPISKA NG NBI

0 20

Advertisers

NASA P2 milyong halaga ng mga pekeng insecticides sa Valenzuela City at Tondo, Maynila ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation kamakailan.

Sinabi ng NBI na 13,412 canister ng pekeng Bao Li Lai aerosol insecticides at 3,042 canister ng pekeng Big Bie Lai insecticides ang nasamsam sa isang establisyimento na kilala bilang EveryJuan Shop at mga bodega nito.

Nag-ugat ang operasyon sa isang reklamong inihain ng mga rehistradong may-ari ng trademark, na nag-ulat ng malawakang pagbebenta ng mga pekeng bersyon ng kanilang mga produkto.



Kasunod ng surveillance at test-buy operations, kinumpirma ng NBI ang mga ilegal na aktibidad at nakakuha ng search warrant mula sa Manila Regional Trial Court Branch 46.

Magsasampa ng mga reklamo laban sa may-ari ng establisyimento dahil sa paglabag sa trademark sa ilalim ng Republic Act 8293, ang Intellectual Property Code of the Philippines. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">