Advertisers
INUMPISAHAN ng two-time world champion na si Rubilen Amit ang kanyang kampanya para sa titulo sa pamamagitan ng magkasunod na panalo sa 2025 WPA Women’s 10-Ball World Championship sa Bali, Indonesia Miyerkules, Oktubre 8.
Ang Cebuana cue artist,ay nakatutuk sa makasaysayang ikatlong korona, ay nagpakita ng walang kapintasang mga pagtatanghal laban kay Mirjana Grujicic ng Venezuela at Hong Xin-Yu ng Chinese Taipei na may parehong iskor na 2-0 upang agad na umusad sa winners qualification.
Susunod niyang haharapin ang isa pang Taiwanese na kalaban na si Wan-Ling ngayong Biyernes, Oktubre 10, upang manatiling isa sa mga malalakas na kalahok sa torneo habang ang kapwa Pilipinang kalahok ay patuloy na nakikipaglaban sa pamamagitan ng lossers bracket.
Binuksan ni Chezka Centeno, ang kampeon ng 2023 at semifinalista ng 2024, ang kanyang panimulang laban sa pamamagitan ng pagkapanalo laban kay Brittany Bryant ng Canada, ngunit natalo kay Chen Chia Hua ng Chinese Taipei, 2-1, kaya nahulog siya sa kwalipikasyon ng mga natalo.