Advertisers

Advertisers

Ginto sa Asiad!

0 93

Advertisers

South Korea ang naka-gold sa Aichi- Nagoya Asian Games nang padapain nila sa finals ang host na Japan noong Linggo, 67- 57.

Ika- 5 ng mga Koreano ito sa kasaysayan ng Asiad at naitabla nila ang bilang ng gold ng Pilipinas. Kontrolado ng mga Pinoy ang basketball sa unang apat na edisyon ng palaro sa Asya. Ikalima natin ang 2023 sa Hangzhou.

matapos ang anim na dekada ng huling korona.



All PBA team ang ating ipinadala liban kay Ange Kouame pero kabilang si Justine Brownlee.

Pinakamaraming ginto ang China na may walo.



Tipong hindi prayoridad ng SBP ang Asian Games kasi stand alone na torneo at hindi qualifier ng FIBA para sa World Cup at Olympics.

Noon bago ang 1990 ay hindi nagpapahiram ang PBA ng player. Nagsimula lang sa Beijing Asiad



Napatanong tuloy tayo sa pro league na mga Pilipino lang ba tayo tuwing ika-apat na taon.

***

Alam nyo ba? Na si dating figure ice skater champ na si Melissa Bulahangui ay naging artista rin sa mga adult movie.

Oo ang tumalikod si Melissa sa Estados Unidos bilang bansa na kanyang kinakatawan upang maging Pinay sa mga international stint.

Kaso nang lumaon ay napabayaan siya ng NSA nila at kailangan siya mismo ang gumastos sa kanyang pagsasanay at paglalakbay.

Pagretiro taong 2015 ay napasok naman siya sa porn industry. Jada Kai ang gamit niyang screen name.

***

Talagang sakit ng Phil sports ang palakasan. Parang cancer na ito na hindi gumagaling.

Naalala muli natin ang naganap sa huling SEA Games. Doon nag-away sa publiko sina fencing association head na si Rene Gacuma at actor-politician Richard Gomez. Ipinaglaban kasi ni Cong Gomez ang isang fencer na naitsapwera ni Gacuma.

Si Goma kasi ay kasapi ng board ng NSA. Naipasok nga niya ang anak nila ni Mayor Lucy Torres sa team. Bata-bata ang kalakaran.

Nagtalo, nagsigawan at nabatukan ni Richard si Rene.

Hala dapat hindi ganire ang asal ng mga opisyales sa harap ng taong-bayan. Nakakahiya kayo!

***

Dalawang positibong balita hinggil kay Manny Pacquiao ang naganap sa magkasunod na linggo.

Una itinalaga siya ni PBBM bilang pinuno ng National Anti-Poverty Commission na isang cabinet rank.

Sumunod ay ginawaran siya ng Phil Normal University ng honaray doctorate degree sa physical education.

Congrats sa ating pambansang kamao.

Tingin ni Ka Berong ay tatakbong senador muli sa 2028.