Advertisers
Boxing, weightlifting, golf at archery.
Yan ay ilan lang sa mga Olympic sports na makikita na natin sa hinaharap sa UAAP at maging sa NCAA.
Yan napagkasunduan ng Philippine Sports Commission at ang mga pangunahing collegiate league
” Isinusulong namin na maidagdag ang mga nabanggit sa kalendayo ng mga paliga ng mga malalaking unibersidad, ” wika ni PSC Chairman Pato Gregorio.
Payag naman ang mga namamahala sa dalawang palaro sa mga estudayante sa kolehiyo.
” We agree to include such sports in our calendar,” eka ni Atty Rebo Saguisag, Executive Director ng UAAP.
” Sa direksyon at tulong ng PSC ay magagawa namin yan,” dugtong ng panganay na anak ng yumaong Sen. Rene Saguisag.
Sa katunayan magiging demo sport na ngayon season ang iba diyan.
Pati ang Mancom Head ng NCAA Melchor Divina ay nagpahayag ng pakikiisa sa mungkahi.
Matatandaan na nagmula sa FEU ang mga magkakapatid na Fortaleza na mga pambato natin sa suntukan sa ring.
Good for Phil sports in particular. Great for our country in general. Big help for nation-building.
Ang archery at golf masasabing pang mayaman ngun’t ang weightlifting at boxing pang masa. Saan ba galing sina Manny Pacquiao at Hidilyn Diaz?
Mas marami tayong mga atleta na maipapadala sa Olympics lalo na sa medal-rich na mga discipline sa mga susunod na panahon.
Malay nyo ang unang ginto natin sa boksing ay manggagaling sa hanay ng mga student athlete.
***
10,000 na mga runner ang sasali bukas sa Naga leg ng Milo National Marathon.
Mayroong 3k. 5k. 10k at 21k na mga kategorya.
Inaasahan si Mayor Leni Robredo na nasa awarding ceremony.
***
Sa Pinas mainit na basketball season dahil nag-umpisa na UAAP, NCAA at PBA.
Sa Estados Unidos sa ika-21 pa ang simula. Maglalaro agad sa opening day ng regular round ng NBA ang mga crowd favorite na Golden State Warriors at Los Angeles Lakers.
Gaganapin ang laban ni Curry-Butler duo vs James- Doncic tandem sa Cryto.com Arena. sa L.A. Kaso may injury agad si LeBron.
***
“Mga kurakot, I..Ikulong na yan!
Mga kurakot I…Ikulong nayan!”
Pari sa Game ng UP vs ADMU sa SM MOA Arena ay narinig natin ang galit na sigaw ng bayan.
Sa paglabas ng State U Pep Squad ay sinabayan ng chant ng tao ng kontra sa mga kurap sa gobyerno. Siyempre pinangunahan ng mga iskolar ng bayan pero nakisali na rin ang mga dugong bughaw. Sobrang galit na talaga ng sambayanan.