Advertisers

Advertisers

Stage play na ‘Walong Libong Piso’ may film version na ipalalabas sa sinehan bago magre-run

0 53

Advertisers

NI: NONIE V. NICASIO

MAPANGAHAS na paghuhubad ng mga bida ang napanood sa stage play na ‘Walong Libong Piso’. Kaya pinag-usapan ito nang husto, pero sadyang kailangan ang kanilang paghuhubad dahil hinihingi ng kuwento kaya lumabas ito sa artistikong pamamaraan.

Nagpatalbugan sina Paolo Gumabao, Drei Arias, Juan Paolo Calma at Jhon Mark Marcia, hindi lamang sa pagbibilad ng kanilang katawan kundi sa aktingan.

Naging matagumpay ang 12 shows na ginanap sa Teatrino noong Agosto and due to insistent public demand – dahil maraming nabitin, pinutakte ng request na re-run ang bumubuo sa Bentria Productions. Kaya magbabalik ang Walong Libong Piso sa entablado sa mga sumusunod na dates – November 29, December 5, 12, at 14. May dalawang show sa mga nabanggit na dates, isang 6:00pm at 9:00pm.

Sa re-run ay idinagdag ang bagong hunk aktor na si Jorge Guda na miyembro ng sumisikat na all male group na Magicvoyz. Personal na pinili ng executive producer ng Bentria Productions si Jorge, among sa mga nag-audition. Malakas ang kanyang dating, guwapo at palaban. Sa pictorial pa lang ay nagpakitang gilas na ang barakong ito, humanda raw ang manonood sa kanyang pasabog sa show.

Pero ito ang twist, bago ipalabas ang re-run ay mapapanood na ang inaabangang film version sa October 22 na ang pinalad na magbida ay si Paolo Gumabao. Sa kabila ng maselan na ‘subject matter’ at ‘nudity’ sa pelikula ay nabigyan ito ng MTRCB rating na R-16, kaya showing siya maging sa mga SM malls nationwide.

Anyway, kaabang-abang ang napakahusay na pagganap ni Paolo sa isang one shot take na pelikula. Siguradong mag-iinit sila sa mapangahas na pagganap ng award-winning sexy actor.

Ito’y sa panulat at direksiyon ng former sexy actor na si Dante Balboa, na tinaguriang educated hunk noong 1990’s dahil isa siyang legit na professor.

Ang nasa likod ng mga proyektong ito ay si Engineer Benjie Austria ng Bentria Productions. Siya rin ang nag-produced ng award winning film na ‘Broken Blooms’ na idinirek ni Louie Ignacio at dalawang Joel Lamangan films, ang ‘Huwag Mo‘Kong Iwan’ na pinagbidahan nina Rhian Ramos, JC de Vera at Tom Rodriguez at ang star studded na ‘Fatherland’ na tinampukan nina Allen Dizon, Inigo Pascual, Angel Aquino, Richard Yap, Ara Mina, Mercedes Cabral, Max Eigenmann, Jeric Gonzales, Kazel Kinouchi, Ara Davao at Cherry Pie Picache.

Ang Fatherland ay nakatakdang mag-compete ngayong Nobyembre sa Barcelona Film Festival. Ang pelikulang ‘Graduation Day’ na pinagbibidahan nina Jeric Gonzales at Elizabeth Oropesa ay ipalalabas sa mga eskuwelahan, ang playdate nito ay sa Marso 2026,

Si Engr. Austria ay abala rin sa pag-produce ng mga concert. Katunayan ang nalalapit na concert sa Davao ang ‘Abba Reunion Tribute Show’ na gaganapin sa October 24. Nakatakda rin siyang sumubok sa paggawa ng vertical series, soon.

Pagkatapos ng re-run ng Walong Libong Piso ay may mga line ups siyang stage play na gagawin sa susunod na taon.